Saturday,December 2, 2006...Satam31UTC +00:0020061831UTC02:

Para Sa Aking Iniirog

Jump to Comments

               Sa tuwing pinagmamasdan kong maiigi ang mga pinong patak ng ulan, naaalala kita. Para ka kasing ulan, aking mahal. Kung magkaminsa’y bigla na lang bubuhos tapos bigla na lang titila. Napaka-moody mo kasing tao. Kung minsan ang bait at napakamasayahin. Kung minsan naman sobrang mayayamutin. Pero, alam mo, kahit napakahirap mong ‘espellingin’, sobrang pinatibok mo ang puso ko. Yung kakainbang tibok. Yung parang ganito:’thud!thud!thud!kling!kling!kling!’ Asteeghh di ba? May kasama pang ‘bells’. Sabagay, ganun lang talaga sigruo ang nararamdaman ng isang taong umiibig. Kakaiba pala. Pakiramdam ko’y ako ay nasa langit! Wala palang kasingsarap ang pag-ibig.

               Alam mo, miss na miss na miss na talaga kita. Mag-aapat nataon na rin pala mula ng tayo’y huling nagkita. Matagal-tagal na rin pala. Siguro, ang laki-laki na ng ipinagbago. Balita ko nga, ang galing-galing mo ng sumayaw. Hahahahaha!! Haayy…miss na miss ko na rin ang iyong mga ngiti. Alam mo, pag nakikita kitang nakangiti, nalalaglag ang puso ko. Ang saya-saya ko. Pakiramdam ko may nararamdaman ako na alam kong alam pero hindi ko pala alam. May kakaibang dating kasi sa akin ang iyong mga ngiti. Tanging mga ngiti mo lamang ang nag-iisang mahika dito sa mundo ang nagbibigay ng kakaibang ligaya at tibok  sa aking puso. Lakas talaga ng tama ko sayo. Sana pag nagkita tayong muli ay wag mong kakalimutang ngumiti. Mas na-iinlove lalo kasi ako sayo pag nakikita kitang nakangiti.Haayy…hanggang kailan kaya tayo muling magkikita?  Kailan ko rin kaya muling masisilayan ang iyong mga matang walang kasingganda? Mga matang tila mga kumikinang na perlas sa aking paningin.

               Hanggang kailan kaya kita iibigin? Habang buhay ba? Totoo bang ‘first love never dies’? Hanggang kailan kaya titigil sa kakahiyaw ang aking puso na ‘iniibig kita’? Hindi ko talaga alam. Walang kasiguruhan. Sabagay, wala naman talaga akong pakialam sa bukas. Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon. Ang importante sa akin ay batid kong mahal kita – na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ayoko munang lumisan sa akin ang nararamdaman ko para sayo kahit ako’y labis-labis na nasasaktan. Handa akong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan!

               Kumusta ka na nga pala dyan? Ang dami ko na palang nasabi pero hindi pa pala kita kinukumusta. Sana ayos na ayos ka lang dyan! Sana malayo ka sa kapahamakan at anumang uri ng karamdaman, aking sinta. Huwag kang mag-alala ayos na ayos lang din ako dito sa Baguio kahit na nasasaktan, nagdurugo at umiiyak sa sakit ang aking puso. Alam ko naman kasing hindi mo ako mamahalin. Nakalaan na para sa ibang tao ang iyong puso. Di ba friend?. Kahit ‘friends’ na lang tayong dalawa’y ayos na ayos na ayos lang sa akin. Heto, ang dami na ring nagbago sa akin. Baka abutin pa ako ng kung ilang taon dito kung isa-isahin ko pa ang lahat-lahat! Isa lang naman talaga ang hindi nagbago sa akin sa mahabang panahon na ika’y nawalay sa aking paningin: ang tibok ng puso ko. Tulad pa rin ng dati. Mahal na mahal na mahal na mahal na maha na mahal na mahal pa rin kita!

               Hanggang sa ating muling pagkikita, aking mahal! Maligayang Pasko sayo at Manigong Bagong Taon

Tumitibok-tibok ang puso,
Aris

Leave a Reply