Thursday,August 7, 2008...Thuam31UTC +00:0020084831UTC07:

Ang Pag-ibig na Walang Maliw

Jump to Comments

May sandaling naniwala ako na ako ay mahal mo rin.

Ikaw ang nagbigay ng kakaibang liwanag na gumabay sa akin sa oras na ako ay malungkot. Ang liwanag na kumikislap sa oras ng aking pangangailangan. Tila ang iyong pagmamahal, pag-aaruga at paglalambing ay pampagana sa akin. Ipinadama mo sa akin ang pakiramdam ng isang umiibig at iniibig. Ipinadama mo sa akin ang totoong kahulugan ng pag-ibig — sa katunayan, isa itong hindi maipaliwanag na bagay.

Ngunit gaya ng isang panaginip, ako ay ginising ng boses ng kalikasan. Gaya ng araw, ang iyong pag-ibig ay napawi sa pagdating ng gabi. Unti-unti itong naglaho gaya ng mga bituin sa pagdating ng madaling-araw. Ginising ako sa katotohanan na tayo ay magkaibigan lamang.

Ang lahat ng mga tawanan at mga kalungkutan na parehas nating nadama ay bahagi na lamang ng ating nakaraan. Ngayong wala ka na, naiwan ako kasama ng mga alaala ng aking pagmamahal na hindi mo nadama, kasama ng matatamis na mga kasinungalingang hindi mo sinadya. Naiwan ako kasama ng espesyal na uri ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Ang pagmamahal na nararapat lamang sa isang kaibigan. Pero ang pagmamahal na ito ay magpapatuloy magpasawalang-hanggan sa aking puso.

<mula sa tinig.com>

3 Comments


Leave a Reply