Tuesday,January 20, 2009...Tueam31UTC +00:0020092931UTC20:

Tula ng Pag-ibig (Unang Bahagi)

Jump to Comments

At ang Buwan ay biglang sumulpot mula sa pinagtataguang Ulap!
At kanyang minalas ang nakahimlay na Daigdig:
ang Karimlan,
ang Luha,
ang Unos,
ang Pighati,
ang Pait,
ang Kirot,
At ang mga Matang animo’y perlas sa kanyang paningin!
At siya’y napawika: Oh Puso, Oh aking Puso! Hanggang kailan ka ba magdurugo?
At muling nilamon ng naghahabulang Ulap ang kanyang pagdadalamhati!

Leave a Reply